DUYAN - Sarah Geronimo [Official Performance Video]
Sarah Geronimo Sarah Geronimo
586K subscribers
2,147,713 views
0

 Published On Jul 25, 2022

DUYAN

Choreography - Georcelle Dapat - Sy & GForce
Music and Lyrics - Thyro Alfaro & Yumi Lacsamana
Creative Director - Georcelle Dapat - Sy
Concept - Sarah Geronimo - Guidicelli
Director - Paolo Valenciano
Publisher - Viva Music Publishing, Inc.

Lyrics:
Parang may ulap sa’king mga paa
T’wing mumulat aking mga mata’t
Mamasdan ang ‘yong pagkahimbing
Ang iyong paghingang kay lambing

At paggising ay maghawak kamay
Yumakap ka’t tayo’y sumayaw kasabay
Ng ritmo, kumpas, at pintig
Ng tugtog dito sa’king dibdib

Ako ay iduyan mo
Ang bisig mo’y unan ko
Dahan-dahang kumakampay
Habang nakadantay
Magkayakap sa bawat imbay
Ako ay iduyan mo
Ikaw ang kanlungan ko
Wala na ‘kong nanaisin pa
Kundi ang makapiling ka
At umugoy sabay sa indayog ng duyan mo

Parang musika ang naririnig
T’wing “mahal kita’y” mamumutawi sa iyong bibig
Pabulong mo pang sinasambit
Tila bumabagal ang bawat saglit

Naka-ilang hiling na rin sa tuwing darating
Ang dumadalaw na bulalakaw
Kung maaari bang dumating ang tulad mo’t
Magmistulang araw at magbigay ng sigla
Ngayon sa buhay ko’y nariyan ka na

Ako ay iduyan mo
Ang bisig mo’y unan ko
Dahan-dahang kumakampay
Habang nakadantay
Magkayakap sa bawat imbay
Ako ay iduyan mo
Ikaw ang kanlungan ko
Wala na ‘kong nanaisin pa
Kundi ang makapiling ka
At umugoy sabay sa indayog ng duyan mong

Pakiramdam ay langit
Iingatan ko hanggang sa kahit tayo’y
Tumanda na at lumipas na
Pag-ibig ay niningas pa
Ngayon at kailan pa man

Ako ay iduyan mo
Ang bisig mo’y unan ko
Dahan dahang kumakampay
Habang nakadantay
Magkayakap sa bawat imbay
Ako ay iduyan mo
Ikaw ang kanlungan ko
Wala na ‘kong nanaisin pa
Kundi ang makapiling ka
At umugoy sabay sa indayog ng duyan mo


CONNECT WITH SARAH G
  / sgeronimo25  
  / justsarahg  
  / justsarahgph  

show more

Share/Embed