It’s Showtime May 4, 2024 | Full Episode
ABS-CBN It's Showtime ABS-CBN It's Showtime
2.21M subscribers
460,865 views
0

 Published On May 4, 2024

What’s up, madlang people?!

Ang Sabado n’yo, gawin nating mas masaya kasama ang cast ng “Running Man Philippines” – Mikael Daez, Glaiza De Castro, Buboy Villar, Lexi Gonzalez, Angel Guardian, Kokoy De Santos at Miguel Tanfelix. Ibinuking ng mga runners kung sino sa kanila ang pinaka-competitive at always on top of their game.

Bukod sa competitve, nag-uumapaw din ang kakulitan ng “Running Man” family, kaya naman game silang nag-sample sa “It’s Showtime” stage. Energy ba kamo? Marami sila n’yan!

Sa ibang usapan naman, ano ba ang mga hacks ng “Showtime” family to beat the heat?

Sa “EXpecially For You,” bittersweet ang kwento ng ex-celebrity couple na sina Geneva Cruz and KC Montero. Ang sumpaan na walang iwanan, bakit hindi napanindigan?

Para bang tadhana ang naglapit kina Geneva at KC sa isa’t-isa. Pagmamahalan nila’y tumagal ng isang dekada hanggang ang ‘feelings’ ay bigla na lang nawala.

Paano nga ba nila pinakawalan ang dating pag-iibigan na humantong pa sa kasalan – gayong hindi lamang silang dalawa ang bumuo nito, kundi kasama ang anak ni Geneva na si Heaven?

Ang kanilang ‘breakup’ story, magtuturo sa’tin na pagpapatawad ang unang daan para matagpuan ang tunay na kaligayahan. Sabi nga ni KC, ang kanilang nakaraan ang humubog ng kanilang kasalukuyan.

Aliw naman ang mga eksena nang tulungan ni KC si Geneva sa pagkilatis sa tatlong searchees.

Mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang pamantasan, muling nagpabilib sa kanilang performances sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Unang sumalang for today’s ‘prelims’ o weekly finals ang pambato ng Unibersidad De Manila na si Erwin Villanueva. Pag-awit n’ya ng “My Way,” nagustuhan ni hurado Nonoy Zuñiga. Naging ‘sexy’ daw ang version ni Erwin ng “May Way” dahil sa style n’yang havey na havey.

Mula naman sa Bacolod City National High School, si Heaven Blanco. Pagkanta n’ya ng “All By Myself”, pinusuan ng mga hurado. “Gentle pero may gigil” kung ilarawan ni hurado Klarisse de Guzman ang performance ni Heaven.

Mula naman sa Bacolod City National High School, si Heaven Blanco. Pagkanta n’ya ng “All By Myself”, pinusuan ng mga hurado. “Gentle pero may gigil” kung ilarawan ni hurado Klarisse de Guzman ang performance ni Heaven.

Nagbabalik din for today’s ‘prelims’ si Anna Patricia Dimaano ng UST Angelicum College. “Hallelujah” ang napili n’yang kanta. Very good ang nakuha niyang marka, pero, si hurado Klarisse, nakulungan sa emosyon ni Anna.

Huli man sa listahan pero hindi nagpahuli sa tanghalan si Mark Dagar ng Davao del Norte State College na kumanta ng “Sino Ang Baliw.” Bilib si hurado Erik sa storytelling ni Mark.

Para sa araw na ito, Top 5 si Erwin na nakakuha ng grado na 91.3%; samantala, Top 4 naman si Mark na may 92.3% na marka. Pumapangatlo si Anna na may score na 93%; at pangalawa naman si Heaven na may 93.3%.

Ang pinakananaig ay ang golden tinig ni Lance na nakakuha ng score na 95%; siya ang pasok sa ‘midterms.’

#KapamilyaOnlineLive
#ItsShowtime
#ShowtimeMayHappiness

show more

Share/Embed