It’s Showtime April 22, 2024 | Full Episode
ABS-CBN It's Showtime ABS-CBN It's Showtime
2.21M subscribers
308,470 views
0

 Published On Apr 22, 2024

Grabe man ang init ng panahon, pakakalmahin tayo ng malamig na boses ni Zack Tabudlo. Isang matamis na kantahan ang hatid niya sa madlang people!
Napag-usapan naman ng “It’s Showtime” family ang mga party-party 'ganaps' nina Kim Chiu at Anne Curtis nitong weekend. Bukod kasi sa pagdalo sa kasal nina Angelica Panganiban at Gregg Homan, nag-celebrate rin si Kim ng kanyang birthday.

At dahil birthday ng nag-iisang Chinita Princess, isang 'nakaka-pretty' na harana ang regalo ni Zack para sa kanya.
Sa “Karaokids,” Vice at Vhong Navarro, may mga nakakatuwang komento tungkol sa OOTDs ng "It's Showtime" family. At, bakit nauwi sa group hug ang pagsagot ni Cianne Dominguez?
Sa "EXpecially For You," ex-lovers na sina Siddy at Joshua ay muling nagharap matapos ang masakit nilang hiwalayan. Ang sobrang sakit, nauuwi sa galit. Kaya naman si Siddy, puno ng pait.
Matapos ang tatlong taon, ngayon lang nagkaroon ng linaw ang pagseselos na naging mitsa ng kanilang biglaang 'dedmahan'. Dinetalye rin ni Siddy ang dahilan ng mga ‘trust issues’ niya sa dating kasintahan.

Samantala, may kislap sa mga mata ni Joshua nang makaharap ang dating nobya. Nangangamoy selos ba?
Sa pinakabagong edisyon ng “Tawag Ng Tanghalan,” mga estudyante mula sa iba’t-ibang pamantasan ang magpapasiklaban. Sina Hannah Grace Espador ng University of St. La Salle-Bacolod at Kyshia Razon ng Mater Dei College ang nagbukas ng “Tawag Ng Tanghalan: The School Showdown.”

Pasadong-pasado kina ‘hurado’ Erik Santos, Zsa Zsa Padilla, at Louie Ocampo ang performance ni Hannah ng "Amakabogera" na nakakuha ng score na 95%, samantala, 93.3% naman ang marka na nakuha ni Kyshia sa pag-awit niya ng "Nasa Puso."

#KapamilyaOnlineLive
#ItsShowtime
#ShowtimeTNTSchoolShowdown

show more

Share/Embed