It’s Showtime April 23, 2024 | Full Episode
YouTube Viewers YouTube Viewers
2.18M subscribers
200,390 views
0

 Published On Apr 23, 2024

Para iwas-stress, nood na ng "It's Showtime" for your daily dose of happiness!
Si Kapuso star Ashley Rivera ang maghahatid ng refresher n'yo this Tuesday with her fun moves and 'hirits.' Na-pressure raw si Ashley sa dance number niya. Sino ba ang peg niya sa sayawan?
Mukhang hindi effective ang triple effort nina Ogie Alcasid, MC, at Lassy sa “Karaokids.” May nakakatuwang hirit tuloy sa Vice Ganda tungkol sa trio. Ano naman kaya ang kanilang depensa?

Sa “EXpecially For You,” pag-ibig na sana’y walang hanggan, naputol nang bumalik ang nakaraan.
Kiana and Jimmy’s love story is a rollercoaster of emotions, madlang people. Magkahalong tamis at pait, saya at lungkot ang naranasan ni Kiana sa seven-year relationship nila ni Jimmy na nagtapos nang makipag-reconnect si Jimmy sa isa pa niyang ‘ex.’
Hindi naman naitago ni Vice Ganda ang sakit na na-feel niya nang marinig ang pinagdaanan ni Kiana. Alamin ang buong kwento!

Mga pambato ng University of Cebu at Union Christian College ang nagpasiklaban sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”
Mesmerizing ang pag-awit ng scholar na si Nina Marie Coreses (University of Cebu) ng “Inseparable”. Dumayo naman mula La Union ang nursing student na si Jelou Carrera (Union Christian College) na kumanta ng “Mamma Knows Best.”

Sa huli, umangat ang tinig ni Jelou na nakakuha ng markang 91.7%, samantala, 89.7% naman ang score na nakuha ni Nina mula kina ‘hurado’ Ogie, Jed Madela, at Klarisse De Guzman.
Samantala, maraming time for a fun kwentuhan ang “Its Showtime” family sa TNT, at isa sa naging topics nila ang ‘fresh’ look ni Klarisse.

#KapamilyaOnlineLive
#ItsShowtime
#TNTKidsAngHulingTapatan

show more

Share/Embed