It’s Showtime May 3, 2024 | Full Episode
ABS-CBN It's Showtime ABS-CBN It's Showtime
2.21M subscribers
272,578 views
0

 Published On May 3, 2024

Samalamig, samalamig!

Sagot na ng “It’s Showtime” ang refresher n’yo sa mainit na panahaon, kasama si Kim Hewitt, ang ating Tawag Ng Tanghalan Kids Season 2 Grand Champion. Kumusta nga ba si Kim matapos manalo? Gaano ka-proud sa kanya si Mommy Amie at ang mga kababayan niya sa Dumaguete?

Sa ibang ‘ganap,’ iwas na iwas si Kim Chiu nang hiritan ni Jhong Hilario ng isang interview. “Huwag gano’n. ‘Di naman masakit,” pabirong sabi ng Chinita Princess.

Bumisita rin sina Brandon Glass at Ricky Flores ng Marvel Universe Live para maghatid ng good news.

Maliit man sa inyong paningin, ang “Showtime” kids na sina Argus, Kulot, Jaze at Kelsey, sa aktingan may ibubuga rin! Tunghayan ang kanilang acting skills at charm sa “Showing Buliit”.

Para naman sa “It’s Showtime” hosts, kailangan lamang hulaan kung anong pelikula ang inaarte ng mga bagets. Manood lang nang mabuti para eksena ay ma-gets. Confident ang lahat sa kanilang mga sagot, except Ogie na medyo nakalimot. Manghula ka na lang, Kuys – malay mo makalusot. At kung mali pa rin ang hula, at least napatawa mo ang madla.

Samantala, sina Vice at Jugs ang naglaro sa jackpot round. Maka-perfect kaya sila?

For today’s “EXpecially For You,” kilalanin ang beautiful and kind-hearted na si Jerieh. Ang kanyang kwento, siguradong kukurot sa inyong mga puso at magpapaalala na maikli lang ang panahon, kaya’t magmahal habang may pagkakataon.

“Happiest day” kung ilarawan ni Jerieh ang wedding day nila ni Patrick. Pero ang araw na dapat sana’y pinakamasaya, nabalot ng takot at pangamba. Sa kalagitnaan ng reception, biglang nag-collapse si Patrick at isinugod sa ospital. Kinabukasan, tuluyan na siyang sumakabilang-buhay.

Hindi inakala ni Jerieh na ang kwento nila’y sa ganito pala magwawakas. Paano nga ba maghihilom ang pusong ninakawan ng oras?

Nand’yan naman si Mommy Grace para tulungan s’yang kumilatis ng mga searchees.

Alam n’yong matindi ang laban sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown” ‘pag nakakuha ng standing ovation mula sa mga ‘hurados’ ang parehong contestants!

Si Mark Dagar, BA Social Work student ng Davao Del Norte State College ang unang nagpasiklab sa entablado. Pagkanta n’ya ng “Your Love,” pinalakpakan nang husto ng mga hurado.

Maging si Anna Patricia Dimaano, Grade 12 student ng UST Angelicum College, umawit ng “Ugoy Ng Duyan,” napatayo ang mga ‘hurado’ mula sa kanilang kinauupuan.

For the first time in TNT The School Showdown, parehong contestants ang nakakuha ng grado na 96.3% mula kina hurado Ogie Alcasid, Mark Bautista, at Nyoy Volante at pasok sa weekly finals sa Sabado.

#KapamilyaOnlineLive
#ItsShowtime
#LightsCameraShowtime

show more

Share/Embed